^

PSN Showbiz

Alden, pilit hinihila pababa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden, pilit hinihila pababa!
Alden Richards
STAR/File

Talaga sigurong ‘pag nasa itaas pinipilit ibaba ng iba. Para bang ang dami ng mga bagay na napapansin ngayon kay Alden Richards dahil siguro talaga namang isa siya sa pinaka-popular na artista ngayon.

Ibang-iba ang dating ni Alden at kita mo na focused sa trabaho at bigay todo sa pakikisama sa lahat. Talagang kung iisipin mo wala ka na ngang maipipintas pa sa kanya.

Pero siyempre lagi siyang hahanapan ng mali ng mga taong nais siyang pabagsakin. Basta trabaho lang at tuloy ang mabuti mong pakikisama, Alden. Hayaan mo sila at huwag pansinin. You cannot put a good man down.

Alexa, consistent sa fangirling kay Marian

Ang bongga naman ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na nakatanggap na naman ng award dahil sa kanyang husay sa pag-arte.

Pinarangalan ang misis ni Dingdong Dantes ng Movie Actress of the Year award sa isang award giving body.

Ito ay matapos silang parangalan bilang Box-Office Pheno­menal Stars of Philippine Cinema at Most Popular Loveteam for Movies kamakailan lamang sa pelikula nilang Rewind.

Samantala, sa parehong event ay pinarangalan din ang aktres na si Alexa Ilacad na matagal nang fan ng nanay nina Zia at Sixto.

Kaya naman hindi niya pinalagpas ang pagkakataon para mag-fangirl sa kanyang Ate Yan.

Kinuhanan pa niya ito bago tumayo sa kanyang upuan para tanggapin ang parangal at caption niya, “Congratulations Ate Yan! Ikaw yung nanalo ng award pero ako yung sobrang kinikilig makita ka @marianrivera.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-fangirl siya sa kanyang ate Yan dahil hindi niya mapigilan ang kilig sa tuwing magkikita sila sa event. Bongga.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with