GMA Integrated News Bulletin, inumpisahan na!

Atom

Lalong pinalalakas ng GMA Integrated News ang posisyon nito bilang ‘News Authority ng Filipino’ habang patuloy itong naghahatid ng mga bagong mga balita at mga pinakamalaking kaganapan dito at sa ibang bansa sa pamamagitan ng GMA Integrated News Bulletin umpisa noong April 1.

Ipinapalabas ito sa GMA at GTV, gayundin sa mga digital channel na Heart of Asia, I Heart Movies, at Pinoy Hits, gayundin sa GMA News Online (gmanews.tv), ipinaalam ng GMA Integrated News Bulletin ang multi-platform audience na may up-to-the-minute reports.

Sa pangunguna ng GMA’s roster of credible news anchors at reporters, nagtatampok din ito ng mga nangungunang kwento mula sa Super Radyo DZBB at GMA News Online, pati na rin ang mga headline na aabangan sa primetime newscast na 24 Oras. Dagdag pa rito, ang GMA Integrated News Bulletin ay nag-aalok sa mga manonood ng mas visually engaging reportage gamit ang maka­bagong set at graphics.

Sa mahigit 60 news teams, mahigit 60 stringers dito at sa ibang bansa, at dumaraming pool ng mga online reporter, ang GMA Integrated News ay nananatiling hindi lamang ang pinakamalaki kundi pati na rin ang authority sa pagbabalita!

Show comments