Bawal ang Mahal ni Susan Roces, may magmamana na?!
Ano nga ba ang bago sa bagong taon?
Isa sa mainit na pinag-uusapan ngayon ay ang bagong chika na may bagong endorser na raw ang top pharmaceutical brand na RiteMed.
Ilang buwan matapos na pumanaw ang veteran actress na si Ms. Susan Roces ay mayroon na diumanong napisil ang brand na magiging bago nitong mukha.
Hmmm. Sino kaya, Ito ba isang ay Kapuso, Kapamilya o Kapatid?
Hindi pa pwedeng i-reveal ngunit ang narinig ko ay nasa kanya ang katangian bilang tagapagpatuloy ng misyon ni Ms. Susan.
As in swak na swak daw ito.
Hmmm. Sino kaya?
Matatandaang si Ms. Susan ay naglabas ng commercial ng RiteMed na tumatak sa isipan ng publiko— Bawal ang Mahal at Huwag Mahihiyang Magtanong.
Ang tanong, kakanta at sasayaw rin kaya siya sa kanyang bagong commercial tulad ni Ms. Susan na talagang ang tindi ng naging epekto sa lahat?
Ito na rin kaya ang makikita sa malalaking billboard ng Ritemed?
Bongga. Abangan!
- Latest