^

PSN Showbiz

Kit may kumakalat ulit na video na pinaliligaya ang sarili, bakat ni Inigo patok sa mga bading

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kit may kumakalat ulit na video na pinaliligaya ang sarili, bakat ni Inigo patok sa mga bading
Kit Thompson

Bago maghiwalay ang taon ay sumingit ang tsismis sa bagong kumalat na vidjakol ng isang kontrobersyal na hunk actor.

Akala namin ay lumang video, pero mukhang recent base sa itsura niya ngayon.

Bina-blind item lang ito nung una, pero kahapon ay pinag-uusapan na sa ilang group chats na si Kit Thompson pala itong tinutukoy nila.

Nabuhay na naman ang mga kabadingan at pinagpasa-pasahan na ang video na ‘yun.

Nasilip ko ang naturang video na ilang segundo lang naman, pero parang mahirap i-deny ito ni Kit.

May kumalat na siyang ibang video noon pa, at may bago na naman ngayon.

Tanong nga ng ibang kabadingan, wala na ba siyang pinagkaabalahan kundi ang mag-vidjakol?

Ang interpretasyon ng ibang sinipat nang husto ang video na ‘yun, parang may lamlam ang mga mata ni Kit.

Dahil kaya ito sa mga pinagdaanan niya?

Pagkatapos niyang masangkot sa malaking gulo nila noon ni Ana Jalandoni, nawala lahat ang mga pending projects niya at napalitan pa siya.

Nakabalik siya kamakailan lang sa isang pelikula sa Vivamax, pero wala na kaming narinig na kasunod.

At ngayong pinag-uusapan na itong panibagong sex video, mababalik kaya ang init ng showbiz career ni Kit?

Samantala, may isa pang pinagpipiyestahan ngayon ng mga kabadingan, ang latest post ni Inigo Pascual sa kanyang Instagram account.

Kuha sa beach na naka-shorts at medyo may kalusu­gan doon si Inigo, at ini-endorse niya ang isang pampapayat na treatment ng Belo Beauty Clinic na Onda.

Bahagi ng mahaba niyang caption: “One of my goals next year is to stay more fit and active. I’ve accepted the fact that I am not a teenager anymore that will somehow magically stay in shape without doing any exercises and having a balanced diet.”

Kinuwento na rin niyang sinubukan na niya itong Onda ng Belo Beauty Clinic at magandang jumpstart daw ito para sa pinu-push niyang pagpapapayat at magiging fit.

Pero keber ng netizens sa pagiging medyo malusog ni Inigo.

Ang napansin nila at kung anu-anong comments nila sa malaking bumabakat sa shorts ng singer/actor.

Nakakatawa ang mga sinasabi, pero at least napasaya ni Inigo ang mga kabadingan sa latest IG post niya.

Anak ni Yorme na si Joaquin, nagsalita tungkol sa kanyang anak!

Humarap na sa entertainment press si Joaquin Domagoso kahapon para sa

pelikula niyang The Boy In The Dark na mapapanood na sa mga sinehan sa Jan. 8, 2023.

Iniwasang itanong ang tungkol sa pagkakaroon niya ng baby, pero sinabi namang magsasalita siya bago matapos ang presscon.

Nagbigay na rin ng maiksing pahayag si Joaquin tungkol sa bago niyang buhay bilang isang ama.

Bahagi ng pahayag niya: “Me and my family, we’re both happy… my son is 8 months old na and mahirap po talaga umalis ng bahay.

“Mahirap po talaga kasi lagi ko siyang nami-miss… ngayon nagwu work ako, at parang hindi mo talaga maisip… parang iba na ‘yung mundo.

“Ang hirap, kasi you have so much feelings all the time. Nakakaiyak na nakakatuwa… na ‘yung nakita ko before parang hindi ko maintindihan ‘yung sinasabi ng father ko, ng Mama ko, ngayon parang nagi-gets ko na.”

Focus daw muna ngayon sa trabaho si Joaquin.

Wala pa raw sa pinag-uusapan nila ng kanyang partner na si Raffa Castro ang kasal, dahil kailangan pa raw niyang mag-ipon.

Thankful na rin si Joaquin na maganda ang natapos niyang launching movie na That Boy in the Dark na dinirek ni Adolf Alix.

Marami-rami na ring naikot na international film festivals at nagwagi pa siyang Best Actor sa Boden International Film Festival sa Sweden, sa Venezuela at sa Toronto, Canada.

Kamakailan lang ay tumanggap siya muli ng bagong parangal bilang Silver Winner as Lead Actor sa Latitude Film Awards.

Bitoy, may ambag sa Voltes V

Madalas na ipinapalabas ang teaser ng Voltes V: Legacy, pero sa GMA Countdown to 2023 Gayo Daejeon ngayong gabi ay mapapanood ang Mega Trailer nito.

Exciting siya dahil ilang taon din itong pinaghandaan, at mapapanood na ito sa taong 2023.

Isa ito sa pasabog ng GMA 7 kasama ang iba pang mga bagong drama series na nai-tape na nila.

Involved si Michael V dito sa Voltes V: Legacy at nang nabuo na nila ang full trailer, isa siya sa sobrang excited na mapanood ito ng lahat.

“At this point, hindi na ako magiging critical about this. I will watch it and I will enjoy it. #VoltesV has been a big part of my childhood and to experience a modern, Filipino approach to my beloved mecha is such a thrill for me!”

vuukle comment

KIT THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with