Sa dami ng promo na ginawa nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo para sa Unbreakable ay winner talaga ang movie at paano hindi dudumugin, dalawa sa pinakamagagaling at pinakamagagandang aktres ang tampok. Idagdag mo pa na binigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) na bihira nilang ipagkaloob.
Bagong combination pa, sawa na kasi ang manonood sa yun at ‘yun ding casting. Swak sa kanila si Richard Gutierrez, hindi ito iniwan ng kanyang mga kapareha.
Makatulong sana…
Sana nga makatulong sa industriya ang pagsasanib-pwersa ng Cignal TV at APT Entertainment sa isang local comedy channel na pag-aari ng APT sa ilalim ng Cignal. Meron silang limang taon para maipakilala at mapatatag ang BuKo (Buhay Komedya)Channel.
Naospital na pamangkin ng sultan, isolated case?!
Totoo bang naospital ang pamangkin ng sultan ng Brunei dahil sa nakakain ito ng peanut sa isa sa mga pagkaing inihain sa kanila? Buti naman at nag-iisa lang siya. Isolated case lang siguro siya if we are to believe that SEA Games people are exerting their utmost effort to please all our athlete guests.
Jennifer sablay lang sa whistle
Baka naman kumunti na ang mag-join sa mga singing contest kung ganyang sa isang pagkakamali ng isa sa pinakamagaling na The Clashers ay abut-abot na ang inaabot nilang bashings.
Magaling naman talaga si Jennifer Miravilla but, she was not meant to success fully complete her whistle. And, now she’s out of the competition. Masaya na ba ang nanglait sa kanya? At marunong ba silang kumanta?