^

PSN Showbiz

Jaclyn sablay ang birthday gift kay Andi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ang balik ni Andi Eigenmann mula sa London. Wala siya nang maglabas ng galit si Jaclyn Jose kay Jake Ejercito dahil sa isinampa nitong joint custody petition para sa pagpapalaki sa anak nilang si Ellie.

Kaya pala sa isang post ni Jaclyn, nakiusap siya kay Jake na ibalik na sa kanya ang apo dahil bibilhan pa niya ito ng uniform at school supply dahil sa kanya nag-stay si Ellie habang nasa London si Andi.

Tamang-tama ang balik ni Andi dahil sa June 22, hearing na ng kaso nila ni Jake. Lilipad daw si Jake mula Singapore, kaya magkikita ang dalawa at kung sasamahan ni Jaclyn si Andi sa hearing, magkikita rin sila ni Jake.

Sa June 25, birthday ni Andi at gusto sanang iregalo sa kanya ni Jaclyn ang pag-urong ni Jake sa joint custody petition. Pero parang hindi ito papayag pagkatapos ng sunud-sunod nitong post patungkol kina Jake at ina nitong si Laarni.

Jennylyn magiging producer ng p.a.

Hindi na lang co-stars ang turing ni Jennylyn Mercado kina Nar Cabico at Analyn Barro na gumaganap na manager at P.A. niya sa My Love From The Star. Kaibigan na ang trato niya sa da­lawa at kahit hindi taping, nagkakasama sila.

May nakita kaming picture ng tatlo na nanood ng sine, meron ding nasa mall sila. Inimbitahan din ni Jennylyn sa bahay niya sina Nar at Analyn at sabay-sabay nilang pinanood ang pilot ng My Love From The Star.

Nabanggit din ni Nar na nagprisinta pa si Jennylyn na maging back up singer sa isa sa song ng kanyang album. “Back up ko si @mercadojenny anettts. grabe Bessie pagsisilbihan kita hanggang next life ko.” Sagot ni Jennylyn, “Hahaha! Jusko! Runong runungan! Sorry na! proud of you Bessie! Galing ga­ling mo.”

Hindi lang magaling na singer si Nar, composer din siya at nakwento nitong marami siyang compositions na naghihintay lang ma-i-record. Dumating na ang right time na magka-album siya sa tulong ni Jennylyn at tutulungan din siya nito na ma-promote.

Baeby Baste may basher na agad

Naapektuhan ang mga nakabasa ng message ng ina ni Baeby Baste na idinaan sa Instagram (IG). Very touching ang message ni Sheila at nakakalokang malaman na at four years old, may bashers at haters na ang child star.

“To my Baste:

“I love you Bash no matter what they say...you’re a toddler, yeah just a 4-year-old-toddler baby bae...sometimes naughty, sometimes good, sometimes annoying, but never rude. You wake up each day for your future and ours too, I will cheer and support you even if they say boo. Yes you can’t please people “I do believe, but Baste my dear to me you are God’s gift. Continue to make some people happy and never forget, the rules the values and your goals you must set. In time you’ll find yourself staring at the ocean, calm your heart, hug me tight, and just pray my dear Sebastian.”

Elnella movie nagpalit ng direktor

Si Perci Intalan at hindi na si Jun Lana ang director ng Regal Entertainment film na My Fairy Tail Love Story. In-announce ito ni director Jun via social media. “ElNella couldn’t be in better hands,” bahagi ng announcement.

Walang sinabi kung bakit nagpalit ng director ang pelikula nina Elmo Magalona at Janella Salvador na plano ng Regal Entertainment na ipasok sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Hindi rin apektado ang fans nina Elmo at Janella na from Direk Jun, si Direk Perci na ang magtatapos sa My Fairy Tail Love Story. Excited silang mapanood ang movie.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with