MANILA, Philippines - Pinag-usapan ang Cinema One Originals teen actress na si Teri Malvar noong 2013 nang talunim niya ang Superstar na si Nora Aunor sa Best Actress category sa 2013 Cine Filipino Film Festival. After three years, ang batang aktres ay isa nang recipient ng 2016 Screen International Rising Star Asia award sa New York Asian Film Festival (NYAFF).
Opisyal na ring inanunsyo ng New York Asian Film Festival (NYAFF) ang 15 na pelikulang ipalalabas nila mula June 22 hanggang July 9. Mula sa 15 na pelikulang ito, tatlo ay proudly Pinoy made: ang religious crime drama ni Erik Matti na Honor Thy Father, ang noir youth drama ni Ralston Jover na Hamog (Haze), at ang sensual surfing film ni Mario Cornejo na Apocalypse Child.
Maaalala na nanalo rin si Malvar ng Best Actress sa 2015 Cinema One Originals awards night.
Ang Hamog na sa direksyon ni Ralston Jover ay nakaani ng apat na awards: Best Editing, Best Supporting Actor, Best Actress, at ang Jury Award.
Kinilala si Malvar sa pagganap ng ‘daring roles na mas pinapalawak ang saklaw ng contemporary Philippine cinema.’ Siya ay tampok sa mga pelikula nina Sigrid Andrea Bernardo na Ang Huling Cha-Cha Ni Anita, ni Ralston Jover na Hamog, at sa Sakaling Di Makarating ni Ice Idanan.
Team It’s Showtime mangunguna sa pagtakbo sa DZMM Takbo 2016
Pangungunahan ng Team It’s Showtime ang mga bigating pangalan na lalahok sa DZMM Takbo Para sa Pamilyang Pilipino 2016 bukas, Linggo, Mayo 29 sa Quirino Grandstand, sa Maynila, simula 4:00 a.m.
Tatakbo sina Karylle Yuzon at asawang si Yael Yuzon, Kim Atienza, Nikki Valdez at maging si ABS-CBN News and Current Affairs head Ging Reyes at broadcast journalist na si Niña Corpuz. Ang kikitain sa fun run na 17 taon nang isinasagawa ng opisyal na AM radio station ng ABS-CBN ay ipinamamahagi sa iba’t ibang benepisaryo.
May apat na race category sa Takbo…, 3K, 5K, 10K, at 21K ay inorganisa katuwang ang RunRio.
Sa pakikiisa ng mga kilalang personalidad, inaasahan ng DMMM na mas maeengganyo ang mga health enthusiasts, professional runners, at ang mga pamilyang Pilipino sa buong bansa na makilahok para makalikom ng pondo para sa edukasyon ng mga biktima ng mga bagyo tulad ng Ondoy at Sendong na pinag-aaral ng DZMM. Naniniwala sila na bawat miyembro ng pamilyang Pilipino ay dapat panalo rin sa edukasyon.
Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa http://dzmm.abs-cbnnews.com/takbo.
Sabado pa lang today, so puwede pa kayong magparehistro para sa pagtakbo sa kalikasan.
Kuwento ng aswang sa Iloilo na pumapatay, isinalin na sa pelikula
Noong dekada 50 sa isang lugar sa Iloilo, isang kapitan ng barangay Sabayan ng Dueñas ang pinaniniwalaang aswang. Siya ay kilala bilang Teniente Gimo, at sa kanya ibinibintang ang mga karumal-dumal na pagpatay, kung saan ang mga biktima ay tinanggalan ng puso at bato.
Ang asawa ni Gimo ay si Melba, at meron silang anak na si Ella. Ayon sa urban legend, inutos ni Gimo na pumatay ng isang dalaga para gawing handa sa isang pista, ngunit nagkamali ang kanyang mga tauhan dahil mismong ang anak niyang si Ella ang napatay at ginawang pulutan.
Nakakakilabot sa mga kuwento pa lang kaya tiyak na mas nakakatakot ang kuwento ng pelikula. Bukod doon meron pa raw kasing highlight na ipapakita sa pelikula na handog ng KIB Production at RMS Productions plus hinaluan daw nila ng romance at comedy.
Makikita rin umano kung paano naapektuhan ni Gimo ang pag-iibigan ng kanyang anak na si Ella at ng isang disenteng binata na si Victor. Dahil sa kanyang reputasyon, maraming galit kay Gimo at nangunguna na rito si Gado na mismong kapamilya niya at naging biktima rin ng aswang. Ang dating nakarelasyon ni Gimo na si Ursula ay nakipagkasundo kay Victor upang kalabanin ang mga aswang, tik-tik at wak-wak. Kasama nila ang kaibigan ni Victor na si Bentong, at si Lolo Ambo na matagal nang kumakalaban sa mga ganitong klaseng nilalang.
Ginamit ng director na si Roland M. Sanchez ang mga cinematic technique, (tulad ng quick frantic cuts) na subok nang nagbibigay suspense sa mga manonood.
At dahil din usong-uso ngayon ang mga hugot lines, ito umano ang nagdala ng aspetong romance-comedy ng pelikula. Mabilis ang mga eksena at makatotohanan ang mga dialogue ayon sa mga nakapanood na.
Ang kwento ay sinasalaysay ng isang matandang babae na nagsasabing nasaksikan niya mismo ang mga mapapanood sa pelikula. Pero sorpresa umano kung sino ang babaeng ito.
Pinagbibidahan ang Teniente Gimo ni John Regala bilang si Gimo, Julio Diaz, Mon Confiado, Suzette Ranillo, Eliza Pineda at Joshua Dionisio na gumaganap na magkasintahan at ang baguhang aktres na si Kate Brios. Palabas na ito sa mga sinehan starting June 1, distributed by Viva Films.
KC gustong magka-pribado sa pagka-in love kay Aly
Uy confirmed na nga na super in love si KC Concepcion sa football player na si Aly Borromeo ng grupong Azkals.
Ipinakita niya ang photo na intertwined sila ng kamay sa kanyang Instagram account. “35,000 people. Tons of pressure. Two teams. One big heart for football. Let’s go, Captain!!! KayaFC #Philippines vs. Johor Darul Ta’zim #Malaysia #AFCCup2016 #Football,” sabi niya sa caption.
Aminado si KC na masaya siya sa kanyang lovelife pero gusto niya itong maging pribado. Hindi naman daw niya gustong isekrito pero gusto niyang maging pribado.