MANILA, Philippines – Parang wala pang producer ang kumakagat sa patakaran ng bagong pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na finished product na ang isu-submit nila sa screening committee.
Ang say ng isang producer, bakit pa siya sasali kung hindi naman niya alam ang magiging kapalaran ang gagastusan niyang pelikula.
Paano raw kung ‘di mapili eh ‘di lugi na agad siya. Sino pa nga naman ang manonood ng pelikula kung rejected sa MMFF? Eh tapos na, ginastusan na. Ang siste baka maunahan pa sila ng namimirata.
Balitang end of Septermber ang deadline ng mga pelikulang sasali 2016 MMFF. So kung sasali ang isang producer, dapat by this time nagso-shooting na sila.
Pero walang nababalitang film company na nagso-shooting na ng pelikulang Pamasko nila.
Binago umano ang patakaran sa MMFF dahil sa paiba-ibang script at stars ng mga pelikulang napipiling isali sa MMFF taun-taon.
Abangan natin sa pag-upo ng nanalong bagong pangulo baka mabago pa ang sistema nila.
Dahil kung hindi mababago, baka langawin ang MMFF ngayong taon.
Honor Thy Father sampu ang nominasyon sa Urian
May sampung nominasyon kasama ang Best Picture at Best Direction ang pelikula ni Erik Matti na Honor Thy Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz. Ganundin ang pelikula ng indie director na si Ralston Jover para sa pelikulang Da Dog Show na tampok naman ang aktres na si Mercedes Cabral. (Maaalang disqualified ang Honor Thy Father sa Best Picture Category ng Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil umano’y nagkaroon na ito ng commercial run sa ibang bansa bago nakasali sa MMFF).
Nakatanggap din ng dobleng nominasyon si John Lloyd sa Best Actor category sa mga pelikulang Honor Thy Father at A Second Chance.
At sa kauna-unahang pagkakataon, nakatanggap din si Jennylyn Mercado ng kanyang unang nominasyon para sa Best Actress sa pelikulang #WalangForever na ipinalabas din noong MMFF.
Ang Honor Thy Father at Da Dog Show ay sinusundan ng pelikula ni Jerrold Tarog na Heneral Luna, Taklub ni Brillante Mendoza, Anino Sa Likod ng Buwan ni Jun Lana, at ARI: My Life With A King ni Carlo Encisco Catu.
Ang mga nabanggit na pelikula ay naglalaban-laban din sa Best Picture category.
Ang Gawad Urian ang sinasabing pinaka-respetadong award-giving body sa bansa dahil ang mga nagwagi ay pinipili mismo ng kapisanan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) na kinabibilangan ng mga kilalang pangalan sa industriya.
Ang mga miyembro ng MPP ay sina Rolando Tolentino, Grace Javier Alfonso, Butch Francisco, Mario Hernando, Bienvenido Lumbera, Miguel Rapatan, Benilda Santos, Dr. Nicanor Tiongson, Tito Genova Valiente at Lito Zulueta.
Kinumpirma rin nga pala ng grupo na ang cinematographer at FAMAS Hall of Famer na si Romy Vitug ang tatanggap ng Natatanging Gawad Urian or Lifetime Achievement award ngayong taon.
Ang ika-39th Gawad Urian ay gaganapin sa June 21, 2016 sa Kia Theater. Eere rin ito ng live sa Cinema One.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official Facebook page ng Cinema One (www.facebook.com/Cinema1channel) at ang official website ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (www.manunuri.com).
Fandom ni Darren nangunguna sa Wish Ultimate Fandom Challenge
Final round na ng Wish 107.5 Ultimate Fandom Challenge matapos ang ilang linggong bakbakan ng fans ng mga kilalang artist.
At ang mga nakasama sa final round ay ang Darrenatics (Darren Espanto), Juanistas (The Juans), Dyfenders (Jayson Dy) and Mowienatics (Morissette Amon).
Nakikipagbakbakan naman sa 4th, 5th and 6th runner-ups ang Wish Fandom Survivors – Juan Karlos United Families Club (JK Labajo), Francisnatics (Francis Lim) and Darylnatics (Daryl Ong).
Sila ang fans ng mga nabanggit na singer na matiyaga at aktibo sa social media na nagpapa-trend sa kanilang mga idolo.
During the elimination round, the fandoms’ final score was computed sa pamamagitan ng kanilang performances sa online voting (50%) and Twitter trending battles (50%). Ang faculty ng Ateneo de Manila University’s Department of Mathematics ang nagsilbing tabulating partner.
At so far ang fandom ni Darren Espanto ang nagwagi sa ginanap na Twitter trending battles noong May 15. Umakyat sila sa No. 1 and 8 spots sa Philippines and worldwide trends lists respectively.
Bukod sa pa-trending meron pang ibang challenges ang fandom na pinagdaanan bago mapili sa grupong mananalo ang Wish 107. 5. Kasama na rito ang adventure race and a special collaboration with their favorite artist kung saan huhusgahan sila ng mga judge na kilala sa industriya hindi lang ng musika.
Ang finals night ay gaganapin sa June 20 sa SMART-Araneta Coliseum kung saan aabot ng P2.3 million ang matatanggap ng mananalong fandoms, kasama ang kanilang artist at napiling beneficiaries.
Yup, ngayon para maging member ka ng fandom (fans club dati) dapat aktibo ka na rin sa social media. Unlike before na hanggang sa TV, radio at dyaryo mo lang puwedeng makita ang mga iniidolo.