^

PSN Showbiz

Aktres na walang masyadong raket, nagwaldas sa gay bar, Pero akting tinaasan ng kilay; Trailer nila Kris bumenta agad!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: ‘Di nakadalo si LJ Reyes sa presscon ng The Haunted Mansion na entry ng Regal Fims sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 dahil inuna niya ang event ng anak niyang si Aki.

May ilang nag-react na ‘di raw maganda ang billing niya sa poster, pero hindi na lang iyun pinansin ng Kapuso actress.

Ang mahalaga, gustung-gusto niya ang role niya sa naturang pelikula. Kahit sa baba ang pangalan niya, malaki naman daw ang partisipasyon niya sa peilikulang ito.

Tutulong naman daw siya sa promo bago filmfest, pero hindi lang siya sure kung makakasama siya sa parada at ilang events ng MMFF dahil baka magbabakasyon ito sa Amerika para madalaw naman niya ang kanyang ina.

PAK: Naglabasan na ang trailer ng walong pelikulang kalahok sa MMFF.

Ayon sa mga napagtanungan namin, so far gusto nila ang trailer ng All You Need is Pag-ibig nina Kris Aquino at Derek Ramsay. Pero halos iisa rin ang tanong ng karamihan, kumusta naman daw kaya ang akting ni Kris?

Sana nakontrol daw ni direk Antoinete Jadaone at baka siya pa ang makasira sa pelikula.

BOOM: Naging isyu pala sa staff ng isang drama series nang malaman nilang nag-treat ang isang aktres na kasali sa seryeng iyon sa iilang staff.

Palibhasa type na type raw ni aktres ang mga bading na staff kaya inilabas niya ito minsan.

May kinuha raw silang private room sa isang single’s bar kung saan kumuha sila ng mga bikini mo­dels at ang iba ay macho dancer para magpasaya sa mga kabadingan. Pero mamang-mama lang daw ang drama ni aktres kung saan siya ang nagbibigay ng kadatungan para pansabit ng mga vaklush sa mga bikini na suot ng boylet.

Hindi raw bumababa sa isang libo ang isinasabit dahil talagang may budget si aktres.

Nakarating na ito sa ibang staff na nairita dahil bakit mga bading lang daw ang pinasaya nito. Paano naman daw sila? Eh type lang talaga ni aktres na may konting kalaswaan silang gagawin kaya ginastusan niya talaga ito.

Sinabihan naman daw niya ang mga staff na huwag na magtampo dahil mga bading lang daw muna ang gusto niyang pasayahin, na humihingi ng maagang Pamasko sa kanila.

Nagtataka lang ang mga napagkuwentuhan kung saan daw kumukuha ng datung si aktres kung ang kinikita lang naman nito sa soap ang pinagkukunan niya.

vuukle comment

ALL YOU NEED

ANG

ANTOINETE JADAONE

DAW

DEREK RAMSAY

HAUNTED MANSION

LANG

MGA

NBSP

NIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with