Sinunod ang payo ng network... Hunk actor kinalasan ang young actress; AiAi itinatangging pipirma na sa Kapuso

PIK: Bago magsimula ang Wowowin ni Willie Revillame sa April 26, sisimulan muna ang bagong drama series ni Gabby Eigenmann na InstaDad.

Sa April 5 na ito mapapanood pagkatapos din ng Sunday All Stars. Kaya pagdating ng April 26, malamang na may pagbabago pa sa schedule dahil sa pagpasok ng Wowowin.

Hindi lang pang-Sunday ang target ni Willie ng Wowowin niya kundi maging daily.

PAK: Malaking bagay pala ang TV network na kinabibilangan ngayon ng guwapong hunk actor kaya hindi na niya itinuloy ang panliligaw sa maga­ling na young actress.

Napabalita noon na in love na in love si hunk actor kay young actress at pursigido raw ito sa pan­­liligaw. Pero ngayon ay hindi na niya itinuloy da­hil pinayuhan ng kanyang mother studio na hindi ma­kakatulong sa kanyang career kung maging sila ni young actress.

Masakit man sa kanya, pero kailangan niyang sundin ang payo dahil mas priority nito ang career.

Parang hindi nga naman makatutulong sa ka­nilang career kung maging sila dahil magkaiba sila ng network.

BOOM: Nakakaintriga itong special event na magaganap mamaya sa GMA-7. Magkakaroon nga kaya ng pirmahan ng kontrata sa isang mala­king celebrity?

Si AiAi delas Alas ang pinagdudahan namin, pero hindi raw talaga siya, sabi ng Comedy Concert at Box-office Queen.

Kaya nakakaintriga kung sino naman itong magiging Kapuso pagkatapos pumir­ma ni Willie Revillame.

Show comments