MANILA, Philippines – Kikilalanin ni Karen Davila si Gloria De Guzman ang isa sa mga pinakamagaling na sapatero sa Marikina at ang may-ari ng Majiks Shoes upang alamin kung paano niya ipinalago ang kanyang negosyo mula sa puhunang P700 lang ngayon, (Jan. 14) sa programang My Puhunan.
Apat na dekada nang inilalaan ni Gloria sa paggawa ng sapatos at maging bags sa tinaguriang Shoe Capital of the Philippines, ngunit bago maging isang kilalang sapatero, dinanas niya ang kahirapan at nagsimulang magbanat ng buto noong walong taong gulang pa lang siya.
Para kumita ng pera, umutang siya at ang kanyang asawa ng P700 para makagawa ng mga pambahay na tsinelas. Nang makabenta, pinaikot nila ang kanilang puhunan at gumawa rin ng mga espadrilles. Wala mang kaalam-alam si Gloria sa paggawa ng sapatos noon, pinagsikapan niyang matuto at maglako ng kanilang mga produkto.
Dahil sa kanyang dedikasyon sa kanyang negosyo, nagagawa niyang makipagsabayan sa mga higanteng kalaban na nagbebenta ng mga sapatos na “made in China.”
Tutukan ang My Puhunan ngayong Miyerkules (Jan 14), 4:30PM sa ABS-CBN.