Lapitin daw ng disgrasya ang ikakasal, Dingdong at Marian kailangang maging mas maingat

Mabuti naman at hindi gaanong grabe ang aksidenteng kinasangkutan ni Dingdong Dantes sa set ng ginagawa niyang pelikula. Maliit na sugat lang ang kanyang natamo na agad namang nalunasan sa ospital na pinagdalhan sa kanya.

Kaunting ingat lang Dong. Sabi nga nila, malapit sa aksidente ang mga malapit nang ikasal. Sabihin mo rin ito sa bride to be mo na si Marian Rivera para makapag-ingat din siya.

Aga tama lang na sumuko nasa ‘laban’

Tama lang na iniurong na ni Aga Muhlach ang kanyang protesta laban sa sinasabing tumalo sa kanya nung nakaraang eleksyon para naman maka-move on na siya nang tuluyan. Wala namang kapupuntahan ‘yung protesta niya at aabutin na ito hanggang sa susunod na eleksyon. Sabihin mo mang manalo siya, hindi na siya makapagsi­silbi pa.

Ganito talaga ang kalakaran sa pulitika. Nagta­taka nga ako kung bakit kinailangan pa niyang sumabak sa pulitika, eh ang gulu-gulo rito. Manatili na lang sana siyang artista, may pera pa siya.

Billy hindi naman napariwara

Negatibo raw sa drug test si Billy Crawford. As expected ‘yun dahil hindi naman pariwara si Billy. Meron lang talaga si­guro itong pinagdaraanan kaya humantong sa pagkakakulong sa kanyang        sobrang kalasingan.

Hay naku, ang mga kabataan nga naman, walang masulingan. Naawa ako kay Billy dahil wala si Mommy Mayette niya para mahingan ng tulong at makapagbigay ng payo rito.

Sana naman hindi maapektuhan ang trabaho niya ng mga pangyayaring ito.

Show comments