Kapuso stars nagpasalamat sa Vigan at sa Camiguin

MANILA, Philippines - Naging mas kapana-panabik ang pagdiriwang ng Raniag Twilight sa Vigan at ng Lanzones sa Camiguin dahil nakisaya ang ilan sa mga hinahangaang Kapuso stars sa taunang festivals na ito ng mga Bigueño at Camiguinon.  

Kamakailan ay isang Kapuso Night naman ang inihanda ng GMA Regional TV bilang pasa­salamat sa mga Camiguinon. Nakisaya sa nasa­bing event si Rhian Ramos, ang lead actress ng pinakabagong primetime drama series na Genesis, kasama sina Bea Binene, Ken Chan, at Gladys Guevarra.

Ang highlights ng pakikibahagi ng GMA Network sa nasabing mga festival ay tampok sa Let’s Fiesta TV Special na maaaring mapanood sa Nov. 17 (Raniag Twilight) at Nov. 24 (Lanzones), sa pamamagitan ng GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CDO.

­

Show comments