‘Baul’
(Part 2)
KAY Nanay ipinamana ni Lola Angela antigong baul. Mula raw mamatay si Lola ay hindi na binuksan ni Nanay ang baul na inilagay sa kuwarto na aking ginagamit. Kapag wala akong magamit na upuan kapag nag-aaral sa gabi ay ang baul ang aking inuupuan. Iniisod ko lang ang table. Masarap upuan ang baul dahil makinis ito. Makintab ang baul na masarap hipuin. Sabi ni Nanay, pinapahiran daw ni Lola ng langis ng niyog ang baul para manatili ang kakintaban.
Pawang damit daw ang laman ng baul. Mga pinaglumaang damit ni Lola. Sabi ni Mama, ayaw daw niyang buksan ang baul dahil maiiyak lamang siya. Noong una raw, gusto niyang laging nakikita at inaamuy-amoy ang damit ni Lola. Pero nang tumagal, hindi na raw niya ginagawa. Kaya matagal na raw na hindi nabubuksan ang baul. Sabi pa ni Nanay, marami siyang nilagay na napthaline balls sa baul para maging mabango at huwag ipisin.
Nasa huling taon ako sa high school nang makaramdam ng mga kakaibang pangyayari habang nakaupo sa baul at nag-aaral ng leksiyon.
Minsang bumangon ako ng madaling araw para mag-aral, narinig ko na may kumakaluskos sa loob ng baul.
Kinatok ko ang baul.
Tumgil sandali. Maya-maya kumaluskos muli.
(Itutuloy)
- Latest