MANILA, Philippines — Walong beses nagluwa ng abo ang bulking Kanlaon sa Negros na may 10 hanggang 71 minuto kaugnay ng patuloy na pag-aalboroto ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagtala rin ang bulkan ng 45 volcanic earthquakes kabilang dito ang 12 volcanic tremors na may 10 hanggang 64 minuto ang tagal.
Nagluwa rin ang naturang bulkan ng 5,050 tonelada ng asupre at patuloy na pamamaga ang bulkan.
Dulot ng pagiging aktibo ng bulkan na nasa ilalim ng Alert Level 3, ipinagbabawal ng Phivolcs ang pananatili ng sinuman sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone (PDZ) dahil sa banta ng biglaang pagsabog ng bulkan, pagtalsik ng lava , ashfall, , pyroclastic density current, rockfall at lahar flow kung makakaranas ng pag-ulan sa naturang lugar.
Bawal din ang magpalipad ng anumang aircraft sa may bunganga ng bulkan.