BAGUIO CITY, Philippines — Isang malakas na pagyanig ng lupa ang tumama sa mga lalawigan ng northern Luzon kahapon ng umaga.
Sa ulat, dakong alas-10:56 ng umaga nang maramdaman ang pagyanig na may lalim na 15 kilometro na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seizmology (Phivolcs), may 18.87° North, 120.40° East - 048 kilometers N 33° West sa bayan ng Burgos sa Ilocos Norte.
Naramdaman ang tectonic plates movement sa Sinait at Cabugao, Ilocos Sur na nasa Intensity V habang Intensity IV sa Sarrat, Ilocos Norte, Claveria, sa Cagayan at Tubo sa Abra.
Intensity III sa Lacub town, sa Abra; at Intensity II sa mga bayan ng Aparri at Lasam sa Cagayan.
Base sa Phivolcs, naramdaman din ang Instrumental Intensity V sa San Nicholas, Ilocos Norte; Intensity IV sa Sinait at Vigan City sa Ilocos Sur; Intensity III sa Gonzaga, Cagayan; Intensity II sa Penablanca, Cagayan, Bangued, Abra at Bontoc sa Mountain Province, habang Intensity I sa Candon City at Narvacan, pawang sa Ilocos Sur.
Inaasahan ng mga awtoridad ang pagtama ng mga aftershocks na maaaring makapinsala bagama’t kahapon ng hapon ay wala pang naitatalang damages.
Dahil sa lindol, agad nagsilabasan ang mga mamimili dahil sa isinasagawang inspeksyon sa gusali ng isang kilalang mall sa San Niclolas upang matukoy kung may pinsala, kalapit sa capital city ng Laoag.