Kanlaon patuloy ang alboroto, 16 beses umuga

Kanlaon Volcano produces a 1,200-meter plume of dark ash on Monday, Dec. 23, 2024. The event was captured by Phivolcs' IP camera of the Canlaon City Station.
Phivolcs via Facebook / Philstar.com's screenshot

MANILA, Philippines — Labing-anim na pagyanig ang naitala ng Philippine Institute of Volcanoloy and Seismo­logy (PhiVolcs) sa Kanlaon volcano sa Negros Island.

Sa ipinalabas na bulletin ng Phivolcs kahapon, ang pagyanig ng Mt Kanlaon ay may pagitang 49-84 minuto habang dalawang beses din itong nagbuga ng abo sa pagitan ng 43 hanggang 49 minuto.

Naobserbahan din na nagbuga ng 3,984 toneladang ng sulfur dioxide o asupre ang bulkan nitong nakalipas na Sabado.

Samantala, ang makapal na usok na nasa 1,200 metro ang taas ang lumabas mula sa bunganga ng bulkan at tinangay ito ng hangin patungong kanlurang direksiyon.

Nananatili sa alert level 3 ang Kanlaon volcano na patuloy pa rin ang pag-aalburoto matapos ang pagsabog nito noong Disyembre 9.

Inihayag naman ni National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno na naghahanda ang kanilang tanggapan sa posibleng pagtataas ng alert level kung magpapatuloy ang pagiging bayolente ng bulkan.

Kung patuloy ang abnormalidad ng bulkan na nagbabadya ng mas malakas at mapa­nganib pang pagsabog ay posibleng ipatupad na ng Task Force Kanlaon ang pagpapalawig ng 10 kilometer radius permanent danger zone (PDZ) sa palibot ng bulkan mula sa kasaluku­yang 6km radius PDZ.

Show comments