Seal of Good Local Governance nasungkit ng Dasmariñas City

Personal na iginawad ni SILG Sec. Jonvic Remulla kasama si Sen. Francis Tolentino kay Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga ang kauna-unahang “Seal of Good Local Governance” ng lungsod.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Nakamit ng lungsod ng Dasmariñas ang mataas na pagkilala mula sa Department of Interior Local Government, ang “Seal of Good Local Governance” (SGLG) nitong nakalipas na linggo.

Ito ay maituturing na history o kasaysayan dahil sa kauna-unahang pagkakataon na nakamit ang malaking parangal na ito ng Dasmariñas City local government sa pamumuno Mayor Jenny Austria Barzaga.

Ang Seal of Good Local Governance ay isang patunay na ang namumuno sa kaniyang nasasakupan ay tapat at mahusay, sa pakikipagtutulungan na rin ng mga LGU officials at constituents.

Show comments