GUMACA, Quezon, Philippines — Aabot sa mahigit P3-milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo makaraang lamunin ng sunog ang kabuuan ng isang warehouse sa Barangay Rosario ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ayon sa ulat ng Gumaca BFP, nag-umpisa ang sunog dakong alas 9:00 ng gabi sa 2nd floor ng appliance store ng warehouse na pag-aari ni Alet Bugarin at mabilis itong kumalat hanggang sa tupukin ng apoy ang buong establisyimento gayundin ang isang motorsiklo na nakaparada lamang sa harapan.
Naapula ang apoy bandang alas-10:20 ng gabi at nagpapatuloy ang imbestigasyon upang malaman ang pinagsimulan ng sunog.