Tatlong pulis na sangkot sa kidnapping, inaresto

Sinabi ni Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, director ng pulisya ng Calabarzon, iniutos sa Regional Intelligence Unit4-A na isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng nilikhang special prosecution panel noong Oct. 28, 2024 laban sa mga akusadong pulis na sina Capt. Joseph Natividad; SSgt. France Male; Cpl. Gerald Casanova.

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Tatlong pulis na inakusahan sa kidnapping at serious illegal detention sa Laguna ang inaresto ng mga otoridad.

Sinabi ni Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, director ng pulisya ng Calabarzon, iniutos sa Regional Intelligence Unit4-A na isilbi ang warrant of arrest na inisyu ng nilikhang special prosecution panel noong Oct. 28, 2024 laban sa mga akusadong pulis na sina Capt. Joseph Natividad; SSgt. France Male; Cpl. Gerald Casanova.

Habang si Pat. Rudy Burda na nasibak na sa serbisyo, at John Doe, Peter Doe at Charlie Doe na iniugnay din sa pagkidnap sa isang lalaki sa Los Baños City, Laguna ay nanatiling nakakalaya pa.

Napag-alaman ng limang katao sa panel ng prosecutor na mayroong prima facie na ebidensya na may makatuwirang tiyak na paghatol sa pitong tao kabilang ang apat na pulis.

Walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan sa tatlong naarestong pulis na inilagay sa ilalim ng restrictive custody sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit habang ang paunang imbestigasyon ng reklamo para sa administratibo at kriminal na reklamo ay isinasagawa na.

Show comments