Truck hulog sa bangin: 1 dedo, 5 malubha

Malalim ang binagsakang bangin ng boom truck na naaksidente sa Arakan, Cotabato nitong Martes na nagsanhi ng pagkamatay ng isang construction worker at pagkasugat ng limang iba pa.

COTABATO CITY, Philippines — Isang construction worker ang patay habang limang iba pa ang sugatan nang bumulusok paatras at mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang boom truck sa Barangay Poblacion, Arakan, Cotabato nitong hapon ng Martes.

Sa mga hiwalay na ulat ng Arakan Municipal Police Station at ng Police Regional Office-12, nadekl­arang dead on arrival ng mga manggagamot sa isang hospital kung saan isinugod si Jimmy Linco, na sakay ng boom-type truck na patungo sana sa isang construction site nang maganap ang aksidente.

Paakyat sa matarik na bahagi ng highway ang truck na minamaneho ni Wenered Dacanay, nang bigla itong umatras, gumulong at lumagpak sa bangin sa gilid ng highway.

Nagtamo ng malubhang mga sugat at pasa sa katawan si Dacanay at apat pang mga katrabaho na sakay ng naturang truck na sina John Lester Gentallan, Marvin Aborque, Noel Blancaber at Aldrin Gentalla, na pawang ginagamot na sa isang hospital.

Show comments