Trike driver inutas ng tandem sa Rizal

Kinilala ang biktimang si Jay Ilano, residente ng Rodriguez, Rizal, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Rodriguez, Rizal, kama­kalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Jay Ilano, residente ng Rodriguez, Rizal, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-4:10 ng hapon ng Set­yembre 22 nang maganap ang insidente ng pamamaril sa Riverside, Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Rodriguez Municipal Police Station para madakip ang suspek na natukoy na si alyas “Blackmask” at isang “John Doe”.

Habang nagmamaneho ang biktima ng kaniyang tricycle ay biglang sumulpot ang dalawang lalaking suspek at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima.

Napuruhan ng bala ang biktima na kanyang agarang ikinasawi habang ang mga suspek ay tumakas sa direksyon ng Rodriguez Highway sa Brgy. San Jose ng nasabing lalawigan.

Show comments