^

Probinsiya

16-anyos na estudyante, sinaksak ng kainumang estudyante

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang saksak sa likod ang tinamo ng isang 16-anyos na estudyante mula sa kainuman nitong kapwa estudyante rin makaraang magkapikunan habang nag-iinuman kahapon ng madaling araw sa Brgy. Calibuyo,Tanza Cavite.

Inoobserbahan sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Rainyl Bolina Hatol, residente ng Barangay Capipisa,Tanza, Cavite.

Naaresto naman ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated homicide na kinilala sa alyas Carl, 18-anyos, residente ng Saint Agustin Village Barangay Daang Amaya 2, Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-12:10 ng madaling araw ay kapwa na lasing ang biktima at suspek at kap­wa nang magkaroon ng pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay nakakuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa likod.

Agad itong naitakbo sa pagamutan habang naaresto rin ang suspek sa tulong ng mga Brgy. opisyal ng nasabing lugar.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with