^

Probinsiya

Transgender timbog sa entrapment sa hotel

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Sex video, hubad na larawan bantang ikakalat

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang transgender sa isinagawang entrapment operation ng pulisya matapos na ireklamo ng dati nitong karelasyon dahil sa pagpapakalat ng mga hubad na larawan at sex video, kamakalawa sa isang drive in hotel sa lungsod ng Bacoor.

Arestado ang suspek na si alyas “Jerica”, 22-anyos, nang maaktuhan ng grupo sa loob ng nasabing hotel kasama ang biktimang si alyas “Alden”. 

Nauna rito, sinabi ng pulisya na nagtungo sa kanilang himpilan si alyas “Alden” at humingi ng tulong hinggil sa ginawang pagkakalat ng suspek ng mga pribadong larawan at mga video nang sila ay magkarelasyon pa.

Matapos ang limang buwang relasyon, nakipaghiwalay umano ang biktima sa suspek subalit ayaw pumayag ng huli kung kaya siya bina-blackmail nito.

Dahil sa panggigipit at pananakot, inireport na ng biktima ang dating karelasyon. Kasama ang grupo ng Regional Anti-Cybercrime Unit 4A (RACU 4A), nagkasa ng entrapment operation. Pumayag ang biktima na muling makipagkita at makipag-sex sa suspek kapalit diumano ng pagbura ng huli sa kanilang mga sex videos at mga senstibong larawan sa Facebook.

Sa paglusob ng pulisya sa hotel, dito na naaktuhan ang suspek na inaabusong seksuwal ang lalaking biktima.

Ayon pa sa biktima, 5 buwan umanong tumagal ang kanilang relasyon subalit hindi na nito makayanan ang ginagawa ng suspek kung kaya nakipaghiwalay ito na hindi matanggap ng suspek.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with