^

Probinsiya

Paslit nalaglag sa kaldero ng mainit na sabaw, patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Paslit nalaglag sa kaldero ng mainit na sabaw, patay
Barangay Pantalan, Carles, Iloilo.
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang 2-anyos na batang lalaki nang aksidenteng ma-shoot sa loob ng malaking kalderong kumukulong sabaw ng batchoy sa Barangay Pantalan, Carles, Iloilo.

Batay sa naantalang report ng Carles police, nangyari ang insidente noong Huwebes, Agosto 8, naglalaro ang bata nang aksidenteng malaglag sa loob ng kaldero.

Napag-alaman na inilapag pagsamantala ng ina ang bata sa lupa dahil may iba pa itong lulutuing pagkain.

Hindi umano namalayan ng ginang na napunta malapit sa mala­king kaldero ang kanyang anak at aksidenteng mapasok dito.

Kaagad na dinala sa ospital ang biktima matapos magtamo ng fourth degree burn sa halos buong katawan dahil sa kumukulong sabaw.

Na-confine pa sa ospital ang bata at makalipas ang ilang araw ay binawian din ng buhay.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with