^

Probinsiya

Lalaki pinagbabaril sa ibaba ng dam

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kritikal at kasalukuyan ngayong inoobserbahan sa pagamutan ang isang lalaki makaraan itong pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin habang ang biktima ay nasa ibabang bahagi ng isang dam na nasa loob ng isang subdivision, kamakalawa sa Brgy. Pasong Kawayan 2, Gen. Trias City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima sa alyas na Jessie, nasa hustong gulang,residente ng nasabing lugar.Hindi naman nakilala ang salarin na tumakas matapos ang krimen.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5:10 ng mada­ling araw ng maganap ang insidente sa Belmont Subd., Brgy. Pasong Kawayan 2 ng nasabing lungsod.

Nagtungo umano ang biktima sa ibabang bahagi ng dam kung saan inaalam din ng pulisya kung ano ang pakay dito ng biktima.

Bigla na lamang umanong umalingawngaw ang 2 putok ng baril mula sa di kalayuan at kasunod nito ay ang paghandusay ng biktima .

Nagtamo ng mga tama ng bala ang biktima sa katawan at mga kamay nito at kasalukuyan ngayong inoobserbahan sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital.Patuloy ang follow up ng pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with