^

Probinsiya

J&T Hub niransak, malaking halaga tangay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling sumalakay ang mga magnanakaw at biniktima ng mga ito ang J&T Hub kung saan winasak ng mga ito ang main door ng opisina at natangay ang malaking halaga na nakalagay sa vault,kamakalawa sa Barangay Zone 1-A, Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, personal na nagtungo sa kanilang himpilan ang empleyado ng J&T Hub na kinilala sa alyas na Mark at ayon sa salaysay nito, alas-5:30 ng madaling araw ng dumating siya sa kanilang opisina ng J&T Hub sa Quartz Bldg. B-1, L-8, Marilag Subd., Barangay Zone 1-A, at nagulat umano siya ng makita niyang nakabukas ang pintuan at halatang pinuwersa ito.

Pagpasok nito sa loob , dito na nito nadiskubre na wala na ang mga perang laman ng kanilang vault.

Ayon pa dito,naiwan umano ng isa sa kanilang emplyedo ang susi ng vault kung saan nakasaksak pa ito nang sila ay mag-uwian.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow up ang pulisya hinggil sa insidente.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with