^

Probinsiya

Nanay tinaga ng anak, naputol ang kamay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 64-anyos na ina ang nawalan ng isang kamay matapos maputol sa pananaga ng kaniyang sariling anak na umano ay nagwala sa loob ng kanilang bahay sa San Manuel, Pangasinan, kamakailan.

Batay sa ulat ng pulisya, Martes nangyari ang insidente nang magwala ang 38-anyos na suspek na armado ng bolo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Nagsaag.

Dito ay nataga at naputol ang kamay ng nanay na nakita sa ilalim ng kanilang mesa, habang isang residente rin ang sugatan na nagtangkang awatin ang suspek.

Tumakas ang suspek matapos ang pananaga pero sumuko rin sa pulisya kinalaunan.

“Sa initial investigation namin, wala namang heated argument o old grudge.Hindi rin siya nakainom kasi umagang-umaga noong mangyari,” ayon kay Police Major Ronnie Maramba, officer-in-charge ng San Manuel Police Station.

Sinasabi umano ng suspek sa pulisya na may nais pumatay sa kaniya.

“Parang stressed ‘yung suspek kasi noong dumating dito wala na siyang ibang pinagsasabi kundi mayroon daw papatay sa kanya,” sabi pa ni Maramba.

Nahaharap sa kaukulang reklamo ang suspek, habang patuloy na nagpapagaling sa ospital ang kaniyang ina.

vuukle comment

PANGASINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with