^

Probinsiya

Grupong nag-iinuman niratrat sa Bulacan: 2 todas, 2 sugatan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Grupong nag-iinuman niratrat sa Bulacan: 2 todas, 2 sugatan
Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang napatay na sina Noel Ocfemia, 46, at Feliciano Cruz, 62, kapwa residente ng Brgy. Barihan ng nasabing lungsod.
STAR/File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Patay ang dalawang indibiduwal habang sugatan ang dalawa pang kasamahan matapos pagbabarilin ng ka-barangay habang nag-iinuman sa Purok 3, Looban, Brgy. Barihan ng lungsod na ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang dalawang napatay na sina Noel Ocfemia, 46, at Feliciano Cruz, 62, kapwa residente ng Brgy. Barihan ng nasabing lungsod.

Sugatan naman at nasa ligtas nang kalaga­yan ang dalawa pa nitong kasama na sina Reynaldo Reyes, nasa hustong edad, residente ng Brgy. Barihan at Diosdado Cruz, 60 ng Brgy. Sto. Niño, Plaridel, Bulacan.

Ang suspek na naki­lalang si Charlie Ramos, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Barihan, Malolos City ay tumakas matapos ang pamamaril.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-3:50 ng hapon habang nag-iinuman ang mga biktima nang bigla na lamang dumating ang suspek at bigla silang inisprayan ng bala gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril saka mabilis na tumakas.

Dead-on-the-spot sina Ocfemia at Cruz dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan habang bagamat nasugatan ay himala namang nakaligtas ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Reyes at Cruz na nagpapagaling na ngayon sa pagamutan.

Sinasabing matin­ding alitan ang dahilan ng pamamaril ng suspek sa apat na magkakainuman.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with