^

Probinsiya

3 motor inararo ng truck: 2 patay, 5 malubha

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 motor inararo ng truck: 2 patay, 5 malubha
Ang mga motoristang naaksidente habang mabilis na tinutulungan ng mga awtoridad para agad na madala sa ospital. Dalawa ang kumpirma- dong patay habang lima ang sugatan nang araruhin ng pickup truck ang tatlong motorsiklo sa highway ng Dipolog City nitong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang motorista ang agad na namatay habang limang iba pa ang malubhang nasugatan nang araruin ng isang rumaragasang pickup truck ang tatlong kasalubong na motorsiklo sa isang bahagi ng highway sa Dipolog City nitong umaga ng Lunes.

Sa inisyal na ulat ng Dipolog City Police Office at ng Police Regional Office-9, magkakasunod ang tatlong motorsiklo nang masapol ng kasalubong na kulay dark copper na Nissan Navarra pickup truck mula sa kabilang direksyon ng highway sa Barangay Punta sa naturang lungsod, sakop ng probinsya ng Zamboanga del Norte.

Isa sa dalawang nasawing motorista ay nakilalang si Ronel Lansangon habang inaalam pa ng mga imbestigador kung sino ang isa pa dahil walang plaka ang kanyang motorsiklo at wala rin siyang dalang kahit anumang identification card.

Agad namang naisugod sa mga hospital ang lima pang sakay ng mga motorsiklong sangkot sa aksidente na nakilalang sina Christian Alisob, Arnulfo Ula, Rodanie Noot, Daniela Tambula at Eliza Mae Dumulog.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng pick-up truck na si Henneth Jay Mondoy Pailaga na nakatakda nang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries, and da­mage to property.

vuukle comment

DIPOLOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with