^

Probinsiya

2 pang convenience store sa Cavite, hinoldap!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

‘PNP tila hinahamon ng mga kawatan’

CAVITE, Philippines —-Hindi pa man nareresolba ang sunud-sunod na panghoholdap sa mga convenience store sa ilang bayan at lungsod ng lalawigan, muli na namang sumalakay ang mga robbery gang at dalawang sangay ng Alfamart muli ang kanilang pinasok at hinoldap sa magkahiwalay na bayan, dito.

Tila hinahamon ang Cavite Police ng mga armadong grupo na nagmistulang kampante na sa panghoholdap sa mga convenience store sa lalawigan.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang umatake muli ang apat na armadong kalalakihan sa Alfamart sa Brgy. San Sebastian, Kawit.

Sabay-sabay na pumasok ang mga suspek at agad dumiretso sa cashier at tinutukan ng maiksing baril ang mga staff saka nagdeklara ng hold-up.

Kinulimbat ng mga suspek ang cash money na P18,000 na kinita ng store at ang dalawang company cellphones bago sila mabilis na tumakas.

Nakasuot ang mga suspek ng itim na jacket, helmet at face mask.

Kasunod na insidente ng panghoholdap ay isa pang sangay ng Alfmart ang pinasok ng dalawang armado na unang nagpanggap na mga customer sa Brgy. Niog Bacoor City dakong alas-5:20 ng madaling araw

Isa sa mga suspek ang dumikit sa isang staff at ipinakita ang baril na nasa bewang nito bago sinabihan ang biktima nang -- “Ibigay mo sakin ang lahat ng pera pati cellphone”.

Dahil sa takot, agad tumalima ang biktima at ibinigay ang mga perang laman ng kaha at mga cellphone sa mga suspek na mabilis tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Dahil sa mga insidente ng holdapan, tinatawagan na rin ang pansin ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na sibakin ang mga opisyal na pakuya-kuyakoy at hindi umaaksyon sa mga nakawan sa Cavite.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with