^

Probinsiya

Convenience store hinoldap, 3 ikinulong sa stockroom

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Convenience store hinoldap, 3 ikinulong sa stockroom
Ayon sa ulat, dalawang suspek ang pumasok sa kilalang convenience story at nagpanggap pang mga kustomer saka nagdeklara ng hold-up sa Barangay Sto. Nino, Biñan City, noong Linggo ng gabi.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

LAGUNA, Philippines — Nilooban ng dalawang magnanakaw ang isang komersyal na tindahan at dalawang empleyado at isang crew ang iniulat na ikinulong sa loob ng silid sa isinagawang robbery heist sa Biñan City ng lalawigang ito.

Ayon sa ulat, dalawang suspek ang pumasok sa kilalang convenience story at nagpanggap pang mga kustomer saka nagdeklara ng hold-up sa Barangay Sto. Nino, Biñan City, noong Linggo ng gabi.

Sa pagtutok ng baril, isa sa dalawang holdaper na armado ng baril ang tumutok sa mga tauhan ng tindahan habang ang isang kasamahan ay nagsilbing lookout.

Ikinulong din ng mga magnanakaw ang dalawa sa mga tauhan at emple­yado sa loob ng stock room habang kinukuha nila ang mga kinita ng store at iba pang paninda.

Matapos na makulimbat ang pera, agad na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa hindi malamang direksyon.

vuukle comment

EMPLEYADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with