^

Probinsiya

Kasunod ng blessing…Bagong bukas na resto sumabog: Pari, buntis, 14 iba pa sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kasunod ng blessing�Bagong bukas na resto sumabog: Pari, buntis, 14 iba pa sugatan
Agad isinugod sa Ago Medical Center, Bicol Regional Hospital and Medical Center at iba’t ibang pagamutan sa lungsod ang nasa 16 katao na karamihan ay kumakain sa bagong blessing at bukas na Goto Mo’ko Restaurant sa unang palapag ng naturang gusali.
Google Map

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Hindi bababa sa 16-katao kasama ang isang pari, bata at buntis ang sugatan matapos ang biglang pagsabog ng kabi-blessing at kabubukas pa lang na bagong negosyo ng kainan sa Cal Courtyard Building sa Brgy. Pinaric, dito sa lungsod kahapon ng umaga.

Agad isinugod sa Ago Medical Center, Bicol Regional Hospital and Medical Center at iba’t ibang pagamutan sa lungsod ang nasa 16 katao na karamihan ay kumakain sa bagong blessing at bukas na Goto Mo’ko Restaurant sa unang palapag ng naturang gusali.

Ayon sa ulat, pasa­do alas-11 ng umaga habang masayang kumakain ang mga bisita kasama ang isang pari na nagsagawa ng blessing sa kabubukas lang na restaurant nang maganap ang insidente.

Gayunman, biglang dumagundong ang malakas na pagsabog sa loob ng Goto Mo’Ko Restaurant at lahat ng tao sa loob at paligid ay sugatang bumagsak.

Sinabi ng ilang residente malapit sa lugar parang lumindol umano sa lakas ng pagsabog. Maging ang mga kisame ay bumagsak, ang mga roll up door ng mga kata­bing negosyo ay tumalsik hanggang sa kabilang kalsada. Nabasag ang mga salamin sa paligid, nagkasira-sira ang mga sasakyan at motorsiklo na malapit sa gusali.

Mabilis na sumaklolo ang mga kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Legazpi, Legazpi City Police Station at mabilis na isinugod ang duguang mga biktima.

Sa panayam kay Col. Rey Villanueve, hepe ng Legazpi City Police Station, hindi naman fatal ang mga sugat ng lahat ng biktima na patuloy na nilalapatan ng lunas ang karamihan sa ibat-ibang hospital.

Hindi rin umano “terroristic incident” ang nangyari dahil lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na “gas leak” ang sanhi ng pagsabog sa kainan.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP, Explosive Ordnance Division (EOD) ng Police Regional office 5 at ng Legazpi City Police sa insidente.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with