^

Probinsiya

Babaeng HR manager itinumba ng tandem sa Cavite

Cristina Timbang, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang babae na Human Resource (HR) manager ng isang golf club at residential estate nang barilin sa ulo ng riding-in-tandem habang naglalakad at kakababa lang mula sa kanilang shuttle service kamakalawa ng hapon sa Gen. Trias City, Cavite.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Josephine Agoncillo Sasi, 36, HR manager ng Eagle Ridge Golf and Country Club and Residential Estates.

Sa inisyal na pagsisiyasat, alas-5:15 ng hapon nang mangyari ang pamamaril sa harap ng gate ng Metro South Subdivision sa Governors Drive, Brgy. Manggahan. Kabababa lang ng biktima sa shuttle service at naglakad sa harap ng subdivision nang biglang sumulpot ang mga suspek at binaril sa ulo ng backrider.

Agad bumulagta ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek na kapwa naka-helmet. Isa sa mga suspek na nakasuot ng itim na jacket ang siyang bumaril sa biktima habang ang driver ng itim na motorsiklo ay nakasuot ng pula at itim na jacket.

Ayon kay PLt.Col. Jaymar Marbella, hepe ng General Trias police, pinatututukan niya sa kanyang mga tauhan ang kaso at inutos ang follow-up operation. May motibo na umano sila sa krimen subalit hindi pa maaaring ihayag.

Kinakalap na rin ng awtoridad ang kuha ng CCTV sa lugar para matukoy ang pagkaka­kilanlan ng dalawang salarin.

vuukle comment

HUMAN RESOURCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with