2 babae nameke ng burial assistance, timbog

Kinilala lang Taytay Municipal Police Station ang mga suspek sa mga alyas na “Janet” at “Abigail”, kapwa residente ng Taytay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kulungan ang bagsak ng dalawang babae sa paghingi ng financial burial assistance sa Mayor’s Office ng Taytay, Rizal, Huwebes ng hapon.

Kinilala lang Taytay Municipal Police Station ang mga suspek sa mga alyas na “Janet” at “Abigail”, kapwa residente ng Taytay.

Sa ulat, alas-1:00 ng hapon ng Hulyo 4, nang ipaaresto sa municipal security personnel ang
dalawang babaeng suspek sa loob ng Mayor’s Office.

Nabatid na nagtungo ang dalawa na nagpakilalang kinatawan ng namayapang kaanak, at nagsumite ng mga kinakailangang dokumentong magpapatunay na may patay na ipalilibing.

Nang suriin, nadiskubreng mga peke ang isinumiteng mga dokumento sa pagkuha ng claim, kabilang ang death certificate.

Show comments