^

Probinsiya

Kasambahay hulog sa bubong ng 5th flr, utas!

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kasambahay hulog sa bubong ng 5th flr, utas!
Nabasag ang bungo at nagkabali-bali ang mga buto sa katawan ng biktima na kinilala lang sa alyas na Marites, 36 anyos, may live-in partner, at residente ng Barangay Munting Parang, Tagkawayan, Quezon.
STAR/File

Amo nais takasan

MANILA, Philippines — Dahil sa pagnanais umano na makatakas sa poder ng amo, patay ang isang kasambahay nang mahulog mula sa bubong ng ikalimang palapag ng bahay ng amo na nagsilbi ring hardware store sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, Que­zon, kamakalawa ng hapon.

Nabasag ang bungo at nagkabali-bali ang mga buto sa katawan ng biktima na kinilala lang sa alyas na Marites, 36 anyos, may live-in partner, at residente ng Barangay Munting Parang, Tagkawayan, Quezon.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-3:10 ng hapon ay nakitang naglalakad ang biktima sa bubong ng Lucena Mabuhay Lumber and Hardware na pag-aari ng kanyang amo.

Nang umapak umano ang biktima sa fiber glass na bahagi ng ikalimang palapag ng bubong ay bumigay ito na naging dahilan upang lumagapak sa semento at naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Napag-alaman na nais na umanong umalis ng biktima sa poder ng kanyang amo na ina­alam pa ng awtoridad ang dahilan ng una.

Mismong ang amo umano ng nasabing kasambahay ang nag-report ng insidente sa mga awtoridad.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment

PARANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with