17K miyembro ng coop, nabigyan ng libreng bigas

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Umabot sa mahigit 17,370 na miyembro ng isang kooperatiba na nakabase sa lalawigan na ito ang tumanggap ng libreng bigas, pagkain at iba pang mga serbisyo kasabay ng ika-33rd Annual  General Assembly Meeting ng Tam-an Banaue Multi-purpose Cooperative sa isang resort sa Barangay Busilac ng bayang ito kamakalawa.

Ito ay matapos na buksan ang pinakamalaking resort para sa lahat ng mga miyembro ng kooperatiba mula sa 10 mga probinsya mula Cagayan Valley, Cordillera at Centra Luzon.

Ayon kay Board Member Jose “Tam-an”Tomas Sr., founder ng koope­ratiba, bukod sa tag 5 kilo na bigas na natanggap ng lahat ng mga dumalo ay nagbigay din ang koope­ratiba ng libreng pagkain, nagsagawa ng medical mission, libreng swimming, accommodation, entrance at cottage.

Habang nasa loob ng resort ang mga miyembro ay nakibahagi rin sila sa libreng therapy, blood­letting at iba pang mga inihandang programa.

Naging pangunahing bisita sina Sen. Imee Marcos at Las Piñas City Congresswoman Camille Villar. Sinalubong sila ng mga opisyales ng Nueva Vizcaya sa pangunguna nina Congresswoman Luisa “Banti” Cuaresma at ilang mga municipal mayors.

Nabatid na mahigit sa 250,000 ang miyembro ng TAM-AN cooperative.

Show comments