^

Probinsiya

Higit 1,000 ektarya sinira ng forest fire sa Benguet

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit 1,000 ektarya sinira ng forest fire sa Benguet
A bushfire hit a large portion of Santo Tomas in Tuba, Benguet on Feb. 7, 2024.
The STAR / Andy Zapata

MANILA, Philippines — Winasak ng forest fire ang nasa mahigit 1,000 ektarya ng bulubundu­king lugar sa Tuba, Benguet, ayon sa ulat ng awtoridad kahapon.

Sa report, 4 katao ang nasagip mula sa apat na oras na sunog sa kabundukan ng Tuba.

Nabatid na ang sunog sa Tuba ay isa lamang sa pitong forest fire na tumama sa probinsya ng Benguet, kasama ang Itogon, Kabayan at Bokod.

Sinabi ni BFP Tuba Fire Marshall Fire Senior Inspector Meson Asing Jr., na bagama’t patuloy ang sunog sa bundok, kontrolado na umano ito sa mga malalapit sa kabahayan at sa mga tower.

Sa datos ng BFP-CAR, mahigit 60 forest fires na ang naitala sa rehiyon mula noong Enero 1.

Naitala naman na mayroong 2,518 sunog ang sumiklab sa bansa mula Enero 1 hanggang Pebrero 23, 200 ay mula sa Metro Manila.

FOREST FIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with