Film director, 3 pa nanunog ng bus timbog!
CATANAUAN, Quezon, Philippines — Mabilis na nalutas ng otoridad ang kaso ng panununog sa isang minibus makaraang maaresto sa follow-up operation ang apat na suspek kabilang ang isang direktor ng pelikula at dalawang inhinyero, kamakalawa sa bayang ito.
Sa isang resort sa Mulanay Police, nadakip ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Ernesto”, 50, Sales Manager, taga-Bacoor City, Cavite; alyas “Noel”, 54, civil engineer, taga-Brgy. Tagpus, Binangonan, Rizal; alyas” Dominic”, 28, civil engineer, taga-Brgy. San Fernando Cabiao, Nueva Ecija, at alyas “Jade”, 46, film director na taga-Capitolyo sa Pasig, City.
Ang mga suspek ay positibong kinilala ng mga saksi kabilang na ang driver at mga pasahero ng minibus sanhi upang ikasa ang manhunt operation.
Lumabas sa imbestigasyon na isang Gumaca Transport Minibus dispatcher ang binantaan din ng isang alyas “Benboy” matapos kunan ng larawan ang mga lumang modelong jeepney sa Gumaca.
Ayon sa saksi, isang driver ng modernong pampasaherong jeep ang nakipagtalo sa isang jeepney driver dahil sa road rage mula Gumaca hanggang Catanauan.
Magugunita rin na noong February 1,2024, ganap na alas-7:30 ng gabi ay pinara ng apat na armadong lalaki ang minibus na minamaneho ng isang Carl Villanueva habang binabagtas ang Gumaca-Lopez Road sa Barangay Dahican, Catanauan, Quezon saka sumakay ang mga suspek. Pinababa ng mga suspek ang anim na pasahero, maging ang driver at konduktor saka sinilaban ang nasabing sasakyan.
Nahaharap ngayon sa kasong arson ang mga suspek.
- Latest