Motor sinalpok ng trak: 2 dedo

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang patay matapos salpukin ng isang pickup truck ang kanilang  motorsiklo nang mawalan ng kontrol sa kahabaan ng Barangay Magsaysay District, Ilocos Sur.

Dead-on-arrival sa Ilocos Sur District Hospital sina Mirasol Tacanay, 29, at Ciriaco Tacloban Jr, 34, kapwa residente ng  Barangay Cabalanggan, Bantay, Ilocos Sur.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na papauwi na ang magkaangkas na sina Tacanay at Tacloban  nang salpukin ng Nissan Navarra pickup truck na minamaneho ni Arsenio Azcueta matapos mawalan ng kontrol sa mani­bela dahil sa pagsabog ng gulong nito.

Nagtamo ang mga biktima ng sugat sa ulo at bali sa katawan na dahilan ng kanilang kamatayan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng pickup at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property.

Show comments