4-anyos na nawawala,natagpuan sa septic tank

BAGUIO CITY, Philippines — Nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa pagkasawi ng isang 4-anyos na batang babae makaraang matagpuan ang katawan nito sa isang septic tank sa Barangay Mataguisi, Pudtol, Apayao nitong Martes.

Ang batang biktima ay unang iniulat na nawawala ng dalawang araw, matapos na huling makitang buhay habang naglalaro sa may highway ng kanilang barangay noong Linggo ng hapon hanggang sa hindi na nakauwi sa kanilang bahay. Dahil sa bigong dumating ang bata para sa kanilang hapunan ay nag-alala ang kanyang pamilya bunsod upang hanapin ito at ireport sa pulisya ang kanyang pagkawala.

Matapos ang ilang araw na paghahanap, nadiskubre ang katawan ng bata na wala nang buhay sa isang septic tank.

Ang bata ay hubo’t hubad nang makita ang kanyang bangkay sa septic tank, kaya naghihinala ang magulang nito na posibleng minolestya ang biktima saka pinatay.

Show comments