2 motor nagsalpukan: Lola dedo, 5 sugatan

MANILA, Philippines — Isang 76-anyos na lola ang namatay habang lima katao pa ang sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo nitong Biyernes ng hapon sa Dalaguete, Cebu.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Anita Dibdib, matapos na magtamo ng matinding sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang ginagamot naman ang lima pang biktima na hindi na pinangalanan.

Sa ulat ng PNP, naganap ang insidente dakong 2 ng hapon sa kahabaan ng Brgy. Road, Brgy. Sacsac, Dalaguete, Cebu.

Nakaangkas ang biktima sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang anak na si Alberto Dibdib nang makasalubong at mabangga ang motorsiklo ng isang mag-anak kabilang ang dalawang menor- de-edad.

Lumilitaw na masyadong matulin ang takbo ng motorsiklo ni Alberto at nawalan ng kontrol na nagresulta sa aksidente.

Show comments