Estudyante patay sa pamamaril sa Basilan

MANILA, Philippines — Isang estudyante ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin habang isa ang sugatan kamakalawa sa Isabela City, Basilan.

Dead on the spot ang  biktimang si Arasad Allami Jumaat, 20,estudyante ng Alternative Learning System (ALS) at residente ng Brgy.Carbon, Malamawi Island, Isabela City.

Nagtamo naman ng tama ng ligaw na bala sa noo si Patrick Ballingut Polio, 27 ng Brgy. Lanote, Isabela City at ginagamot sa Infante Hospital.

Sa imbestigasyon ni SSgt. Gaber Ussih ng Isabela City Police Station, nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon nitong Martes sa Brgy. Doña Ramona, Isabela City de Basilan.

Sa kuha ng CCTV camera sa Brgy. Doña Ramona, makikita na sinundan ng salarin ang biktima at binaril sa likod habang papatawid.

Nang bumagsak ang biktima, muli itong binaril ng suspek sa dibdib at mabilis na tumakas patungong Santol Alley, Brgy. Doña Ramona.

Show comments