MANILA, Philippines — Isang Indian national ang natagpuang patay na may dalawang tama ng bala sa ulo, kahapon ng umaga sa Barangay Silangan Kabubuhayan, Nagcarlan, Laguna.
Kinilala ang nasawing biktima na si Karnail Singh Chahal, 62, negosyante na nadiskubreng nakalugmok sa gilid ng kalsada ng mga residente, alas-10:00 ng umaga.
Sa salaysay ng mga residente sa pulisya na siya ay nakarinig ng dalawang putok ng baril at pinuntahan nila ang lugar at dito ay natagpuang patay dahil sa dalawang tama ng bala sa katawan.
Hinala ng pulisya na riding-in-tandem ang suspek at inaalam pa ang motibo nang pagpatay sa biktima.