^

Probinsiya

Propesor sinaksak ng 16 beses, patay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Propesor sinaksak ng 16 beses, patay
Kinilala ang biktima na si Tony Lazaga, na nagtamo  ng  16 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang 51-anyos propesor nang pagtulungang saksakin ng tatlong suspek sa Binalbagan, Negros Occidental, kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Tony Lazaga, na nagtamo  ng  16 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Isa naman sa tatlong persons of interest ang nasa kustodiya  ng  Binalbagan Police Station na nakilalang si Johnrey Castino,19,habang pinaghahanap pa ang  dalawang kasama nito.

Batay sa report, alas-2:30 ng madaling araw ng Miyerkules nang matagpuan si Lazaga na naliligo sa kanyang sariling dugo at wala nang buhay sa tapat  ng kanyang boarding house sa Locsin St. Brgy. San Pedro, Binalbagan.

Nakita sa CCTV na dumaan si Lazaga sa  harap ng  Binalbagan College Community campus at sinusundan ng  tatlong kalalakihan.

Tanging ang  cellphone lamang ng biktima ang kinuha ng mga suspek.

Patuloy pa rin ang isinasagawang  imbestigasyon  at follow up operations ng mga pulis laban sa ibang  suspek.

Nagsagawa naman ng  prayer vigil  sa nasabing  unibersidad ang mga estudyante, faculty members at pamilya ng biktima.

vuukle comment

BINALBAGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with