Ex-convict huli sa P5.4 milyong shabu sa Bacolod

Sa buy-bust operation, naaresto ang drug suspect na si Rene Lapera, 26, residente ng nasabing barangay.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P5.4 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga pulis sa kanilang ikinasang operasyon sa Purok Villa Lourdes, Barangay Pahanocoy, Bacolod City kahapon ng madaling araw.

Sa buy-bust operation, naaresto ang drug suspect na si Rene Lapera, 26, residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Bacolod City Police Office director P/Col. Noel Aliño, nakulong na noon si Lapera sa National Bilibid Prison (NBP) dahil sa iligal na droga. Subalit nang makalaya, bumalik ito sa pagbebenta ng iligal na droga sa Bacolod.

Agad na isinagawa ng mga Station Drug Enforcement team ng Bacolod City Police Station 8 at Special Operations Unit-Drug Enforcement Unit ang operasyon.

Nakuha sa suspek ang nasa 800 gramo ng shabu na may market value na P5,400,000.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.

Show comments