3 ‘dealer’ ng shabu tepok sa shootout sa Cotabato

COTABATO CITY , Philippines — Patay agad ang tatlong pinaghihinalaang dealer ng shabu makaraang kumasa sa mga operatiba na nagsagawa ng pagsalakay sa kanilang pinagtataguan nitong Huwebes ng umaga sa Matalam, lalawigan ng Cotabato.

Sa inisyal na pahayag ng Brig. Gen. Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, ang target ng naturang anti-narcotics ope­ration ay si Abdilkarim Unsil, isa sa mga nasawi sa insidente.

Pumalag diumano sina Unsil at ang dalawa niyang kasamang sina Gerald Mangiling at Kanacan Unsil at pinaputukan ang mga pulis na palapit sa kanilang hideout kaya nagka-engkwentro na nagsanhi sa kanilang agarang kamatayan.

Naaresto ng mga magkasanib na mga operatiba ng Matalam MPS at Cotabato Provincial Police Office ang isang kasama ng tatlong napatay, si Harold Kalunsing, ngayon naka-detine na at nakatakda ng sampahan ng mga kaukulang kasong kriminal.

Show comments