Suntukan nauwi sa pamamaril: 15-anyos estudyante sugatan

CAVITE, Philippines — Inoobser­bahan sa pagamutan ang isang 15-anyos na estud­yante makaraang mabaril sa likod ng nakalaban nito sa suntukan kahapon ng madaling araw sa Parklane Hms, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.

Kinilala ng pulisya ang  biktima na alyas “Angelo”, residente ng Parklane, Brgy Santiago, Gen. Trias City, Cavite.

Naaresto naman agad ang suspek na si Robert Deo­careza, nasa hustong gulang, residente ng Parklane, Brgy. San Francisco, Gen. Trias City.

Sa imbestigasyon nina Police Master Sgt. Cristopher Dumlao at PSgt. Lauren Lubigan, alas-12:30 ng madaling araw nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek hanggang sa magkapikunan na nauwi sa kanilang pagsusuntukan.

Lingid sa kaalaman ng biktima, may bitbit pa­lang improvised gun ang suspek na agad nitong binunot at ipinutok sa una na nasapol ng bala sa likod.

Duguang bumagsak ang biktima na agad na naitakbo sa DLSU Hospital habang tumakas ang suspek na kalaunan ay naaresto ng awtoridad.

Show comments