CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte, Philippines — Panibagong tatlong mga kasapi ng communist terrorist group ang sumuko sa tropa ng 37th Infantry (Conqueror) Battalion ng 6th Infantry (Kampilan) Division sa Brgy. Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat, noong Biyernes.
Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, Commanding Officer ng 37IB, ang tatlong mga sumuko ay may mga alyas na Patrick na kasapi ng Platoon Madrid; alyas Toto ng Platoon Baghdad at alyas Jay-Ar ng Platoon Beijing lahat ay sa ilalim ng Sub-Regional Command (src)-Daguma mula sa nauubos at pagwawasak na Far South Mindanao Region.
“Based on the initial revelation of the surrenderees, they decided to surrender because of the hardships and pressure brought about by the continuous conduct of Focused Military Operations in the area and lack of moral/financial support from the leadership of FSMR,” pahayag ni Lt. Col. Baldomar.
Isinuko rin ng tatlo ang kanilang mga bitbit na armas na kinabibilangan ng isang 5.56mm Colt M16A1 rifle, isang Cal .45 Pistol at isang 12 Gauge Shotgun.
Malaki naman ang paniniwala ni Brigadier General Michael A Santos, commander ng 603rd Brigade na biktima lamang ang mga ito ng maling ideolohiya na lumason sa kaisipan ng mga residente ng Sultan Kudarat.
Sa kabila nito, patuloy ang panawagan ni Major General Alex S Rillera, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central sa mga natitira pang kasapi ng CTG na magbalik-loob na sa pamahalaan.
Sa datos na inilabas ng JTFC sa taong ito, nasa 11 mga CTG na ang nagbalik-loob sa pamahalaan mula noong nakaraang buwan hanggang sa kasalukuyan.