350 bata at matatanda, nabiyayaan sa ‘gift-giving’ ng J4Reb, J4 Cruz at RCMP

MANILA, Philippines — Daan-daang bata at matatanda ang tumanggap ng biyaya mula sa J4Reb at J4 Cruz Construction sa kooperasyon ng Rotary Club of Malate Prime sa isinagawang matagumpay na joint outreach at gift-giving project nitong Disyembre 30, 2022 sa tatlong magkakaibang lugar sa lalawigan ng Bataan.

Ang nasabing pro­yekto ay pinangunahan ng mag-asawang sina Joey at Jacqueline Dela Cruz, may-ari ng J4Reb at J4 Cruz Constructions, na nagsisilbi ring mga officers ng naturang Rotary Club sa kolaborasyon ng RC Malate Prime na pinamumunuan ni Phenomenal Leader President (PLP) Roland Lim at kinatawanan ng kanilang club president-elect na si Daisy Calara Valdez.

Ang mga recipients ng nasabing gift-giving projects ay mga bata at senior citizens na residente ng San Juan at Sta. Lucia sa Samal, Puerto Rivaz, sa Ba­langa at Orion, pawang sa Bataan.

Nasa kabuuang 350 matatanda at mga bata ang nabigyan ng mga cash donations, mga gatas, diapers, damit (dusters at t-shirts) at snacks o pagkain.

Binisita rin ng grupo at hinarana ng Christmas carols ang mga bed-ridden na senior citizens sa nasabing lugar para bigyan sila ng kagalakan, kasiyahan at pag-asa nitong yuletide season.

Show comments